Saturday, December 5, 2009

I hate farmville

Posted by Pink Life Baby at 9:08 AM
Isa akong vivid gamer, sobrang mahilig ako sa games. Mapa PSP,
playstation, aracade, Internet, Computer at sa maniwala kayo at sa
hindi buhay pa ang Family Computer namin. Sa sobrang hilig ko sa
laro, natuto ako gumawa ng sarili kong flash games ( di ko na
imemention kasi mukang bawal kasi bawal daw lelz). Pag ako naglaro
parang walang bukas, kahit ilang beses ko na natapos ung isang game,
uulitin ko ng uulitin yun kahit wala na akong napapala. Nung
nagtatrabaho pa ko, night shift ako, 9 pm – 5 am. Paguwi ko minsan
imbis na matulog ako, maglalaro pa ko 5 am – 2 pm sa PSP. At
4pm-8pm sa computer. Kaya naman galit na galit yung ex ko sakin dahil
daw mas madami pa yung oras ko sa paglalaro kesa sa oras na binibigay
ko sakanya, minsan nalang kami magusap nag-aaway pa. Ayoko kasi ng
iniistorbo ako pag naglalaro, gusto ko focus lang. At pag may mga
mission o fighting moments yung nilalaro ko ayaw ko ng natatalo, kasi
pag natalo ako kahit sino pa yung katabi ko sakanya ko binubuhos yung
galit ko, sya yung sisihin ko. Kaya naman, nagugulat si ex pag bigla
ko nalang minumura at sinasapak, dahilan ko : MALAS SYA kaya di ko
nagawa.




At pag may nilaro ako, ayoko ng hindi ako yung nagiging pinakamagaling
sa bagay na yun. Ewan ko, ang pangit nga ng ugaling ganun alam ko,
pero wala eh, eto na ako. Una kong nalaro sa computer yung Counter
Strike, grade 5 ako ng mauso yun sa street namin, so mga 9 years old
ako nun. Haha. Oo grade 5 ako 9 years old pa lang ako. Nagtataka kayo
noh kasi ang 9 years old grade 5 na, well well haha. Tapos ayun, wala
akong kalarong babae nung bata ako, lahat ng kalaro ko mga uhuging
lalaki, so ayun naging uso ang tambay sa computer shop nakisali rin
ako. Pagkagising ko andun na ako, hanggang gabi na yun. Pag may pasok
naman sa school ganun parin, pagkagising ko, partida walang
toothbrush toothbrush at hilamos andun na ko, tatawagin nalang ako ng
yaya ko para maligo pag papasok nako, paguwi ko galing school
magtatanggal lang ako ng sapatos tpos takbo na ulit sa computer shop,
OO nakapaa hehe. After 3 months, naging paborito ako ng mga kalaro
ko, yung mga kalaro kong bata tinabla ko na. 9 years old ako nun pero
ang mga tropa ko mga 17-35 years old. Ang sarap ng feeling na parang
ako yung bunso nilang kapatid dun, tapos pag may mga pustahan sa
counter strike sinasali nila ako,pero dahil yung pera ko sakto lang
pang play all you can sa computeran (70 pesos play to sawa samin!)
wala akong naambag na pera sa pustahan. So pag panalo kami,
binibilhan na lang ako ng pop cola at vcut ng mga kakampi ko masaya
na ako. Hanggang sa nag 2nd year high school ako naging
tambay ako sa computer shop na yun, yun lang nung pagkagraduate ko ng
Grade 6, natuto na ko magtoothbrush at maghilamos muna bago tumambay,
at saka nka slippers na rin ako pag naglalaro, yun lang nakataas
parin yung paa ko pag naglalaro(wehh, hanggang ngayon naman, bsta
kahit asang lugar ako pag computer kaharap ko gusto ko nakataas yung
paa ko). Bakit hanggang 2nd year lng? Kasi po lumipat kami
ng bahay, yung bahay na nilipatan namin malayo sa mga computer shop,
naging malungkot yung buhay ko. Sawang sawa na rin ako kaka
playstation 1 at kaka gameboy.




Pagkagraduate ko ng HighSchool, binilhan ako ng sariling computer ng magulang ko.
Tuwang tuwa ako, kaso ang internet ko dial up, my gad! Tamang pang
friendster lang. Hanggang sa nadevelop ng nadevelop yung internet
connection ko. Napunta ako sa ibat ibang website na puro laro, tuwang
tuwa ako sa 9mine.com at miniclip. Kahit pang kinder yung mga laro ok
lang kesa naman wala.



Hanggang sa nadiscover ko yung Missbimbo, Mabimbo (eto ang site na nagturo
sakin kung pano bumasa ng french), Popmundo, Moipal, At madami pang
iba. Naging magastos rin ako kasi pinambibili ko yung credit card ko
ng mga arcade games tulad ng Dinerdash at kung anoano pa.


Later ko nalang nalaman na makakabili ka pla ng 80in1 installer ng yahoo
games.




Out saken ang DOTA. Sorry sa mga fans neto, pero hindi ko talaga gusto
kahit anung laro ko nahihirapan ako, saka pangit yung graphics. Kaya
galit na galit ako nung pinusta ng ex ko yung pera ko pang dota, sabi
nya magaling na sya. Ampp. Yun pla, foods pa rin sya. Pero yung Fight
of Characters yun nagustuhan ko yun. Nagkaron kami ng apartment dati
na ang nakatira e mga tropa ko ska kami lang ng ex ko, 10 yung
computer dun. (wala kaming computer shop, dala yun ng mga tropa ko
para nakakapaglaro silang lahat ng dota kahit anong oras nila gusto).
Ayun, tinuruan nila ako mag Fight of Characters, si Orochimaru at
Goku yung paborito ko. At kung nababasa man nila to ngayon, aminin
nyo na. NO MATCH kayo at naging FOODS ko rin kayo. Hahaha.


Adik na adik ako sa RPG. Kahit ibuhos ko yung buong oras ko sa paglaro ng
RPG wala akong pakealam. Basta ako enjoy. Tapos nag sulputan na yung
mga flash games sa facebook. At eto na nga .


Ang Farmville bow.


Farmville
– nagsimula sa facebook, isang application/game na patungkol (lol
patungkol! Whatta word!) sa bukid, haha. Pwede kang magtanim, Pwedeng
mag ani, mag alaga ng hayop – kabayo, cow, horse, chicken, duck at
pwede ring Reinderr. Lahat ng kaibigan ko, kakilala, kakilala ng
kakilala ko lahat mga adik sa Farmville. Naging corny para sa akin
ang farmville, kumbaga ITS NOT MY THING. Parang dota. Ayoko.
Actually, nakablock yung FARMVILLE APPLICATION sa account ko. Nakaka
asar na kasi yung mga invites at gifts. I HATE FARMVILLE. FARMVILLE
HATER. Yan yung tagline ko pag ang usapan ay FARMVILLE. Sumali pa nga
ako sa group na WE HATE FARMVILLE sa facebook, kasi ayoko talaga nun.




Last month, di ko alam na dito na magsisimula ang delubyo ng buhay ko.
Inactivate ulit ni Mommy yung facebook nya. Then 2 weeks ago,
tinuruan sya mag farmville. Inasar asar ko pa sya, sabi ko yuckness
magsasaka na rin sya. Sayang oras. Blah blah blah.



At dahil dun, naging ganto ang mga eksena :


3am(Manila
time) – sobrang himbing ng tulog ko, pero walang tulo laway =p.
Tapos magriring yung phone ko, sasagutin ko.


Mommy: Nak, open mo nga yung facebook ko.*nagmamadali*
Ako : bakit ma ano nangyari?

Mommy: i-harvest mo nga yung mga strawberry ko. May meeting kasi ako, tapos
taniman mo ulit ng strawberry rin. Para pag balik ko maharvest ko na.

Ako: Ngayon naba? Hindi ba pwedeng after bukas na kasi antok pa ko.
Mommy: !?@*&#!#!$%6(&*7+!#$%&*!864@$%^<*$@#$

Ako : Oo eto na, strawberry ba itatanim ko?


YM
(7amManilatime)

Ako: Hi ma, ang aga mong online ah,
Mommy: Hindi nagising lang ako, iharvest mo nga yung mga tanim ko after
95% na e, matutulog ako ulit kasi maaga pa ako bukas e, taniman mo ah
para mag gising ko may mahaharvest na ako.

Ako:Ma, may dumating na yung bill ng kuryente
Mommy:Wag mo kalimutan iharvest ah, cge bye. Tulog na ako.


12pmManila
time – lunch mode,magriring ang phone.

Ako:Oo ma haharvest ko na po pagkatpos ko kumain.
Mommy:Ibahin mo yung tanim ah, gusto ko raspberry na para 2hours lng.


YMulit

Mommy: Iharvest mo nga yung farm ni divine saka ni Jeff, pwede na yung mga
tanim nila tapos taniman mo ulit. Saka isend mo nga ako ng gift,
gusto ko cherry tree ha.


Ako:Mamaya na.
Mommy: !?@*&#!#!$%6(&*7+!#$%&*!864@$%^<*$@#$

Ako: Sige ma, nilologin na po.

5pmManilatime
ring ulit ng phone

Ako: Oo ma haharveset na ko.

Mommy: Ok sige, wag mo kalimutan ahh.


Sokada tawag ng mommy ko alam ko na yung sasabihin ko, hehe na adik sa
farmville si mommy may gad tlaga !? At ang topic namin sa ym ay
about sa farmville lagi. Naging calculator pa ako ng wala sa oras.
Minsan kasi ipapakwenta nya kung magkano ba ang tutubuin nya kung ano
yung tatanim nya.


IHATE FARMVILLE nga ee. Tapos naging tiga harvest nila ako at taga
tanim.. wahhhh .. Parang sinasapak ako sa mukha tuwing magfafarmville
ako, at tuwing naririnig ko yung music na nakakaloka.


Nakaktuwa rin kasi, si Mommy anti games society yan ee. Tapos ngayon nahook sa
farmville. Hehe atleast di sya msyado nalulungkot, At sana sa
pagpunta ko dun, hindi ako maging taga harvest lang nya hehe.



O sya maghaharvest na ako, mahirap na ma %@$@%($@!#?!! nanaman!







3 comments on "I hate farmville"

KESO on December 6, 2009 2:35 AM said...

hahaha, naku, dati trip ko yung farmville kaso hate ko na din ngayon, nakakabadtrip tanim k lng ng tanim tapos pag nabulok, mababadtrip ka pa. haha.


hndi nagiisa ang mommy mo, parang ganyan din yung asawa ng kuya ko, napapaniginipan pa nga daw yung farmville haha.

Pink Life Baby on December 7, 2009 10:34 AM said...

@keso wahaha talgang napapanaginipan.. mas mahirap un hehe .. kalerkei tlga ang farmville .. hehe pati mga nanay na adik hehe ..

FrEak on December 10, 2009 7:47 PM said...

Farm Ville hater here... hahaha... ewan ko bah kung ano meron sa Larong-Magsasaka na yan... pati ung pinsan ko na 5y.o adik na rin... grabe talaga... sarap pagsusunugin ung mga farm... haha wala ka namang makukuhang pera dun.. ok lang sana kung pag-binenta mo ung tanim eh lalabas ang pera sa CD-ROM mo.. mygad!.. daming adik sa PARM... di nga namin tinuturuan mama ko kasi baka di na magluto... mygad...

Post a Comment

Post your VIOLENT REACTIONS =]

 

★℘iИκ LiF∃ ♥ ßäßϒ ® Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Blogger Styles Image by Tadpole's Notez